Ay, buhay iwan mo na ako
O, ika'y lalayasan ko
Ang gulogulo mo...
Ay, Buhay nga naman...
daming sakit ng ulo
hapdi at kirot
lungkot at problema,
Oo, nga naman
may gusto't pagnanasa
may ambisyon at pangarap
At, gumugulong ang panahon,
nasasagasaan ang damdamin
nagtutunggali ang puso't diwa
Haaay, Buhay ganon ka nga
may kaliwa't kanan, saan patungo
ang sa gitna'y nalilito,
Ay, Puso koy tumitibok
Sa isip ayaw nang sumunod
Bigat ng luha,pagod na ang mata.
Akoy di na kinikilala
Ay, ganyan nga ang buhay
biglang nasisiraan, at di inaakala.
Oo, kahit naman alam ko na
ay di sapat, dahil ang Buhay nga
naman ay may kanyang lakas,
Magalaw! May kilos!
Parating nagbabago,
at saan-saan tumutungo.
Hay, hindi ako susuko sa iyo,
kaibigan na lang tayo,
Kahit ika'y ganyan, mahal ka sa akin
Ikaw ang aking pipiliin.
Ay, sus naman, ang Patay ay patay, at walang kilos,
malamig, walang pagnanasa, walang-wala,
walang gulo, walang kahit ano,
walang sakit,walang lungkot, walang pagkalito,
at segurodong sa libingan tutungo.
Ay, buhay pahalik nga, payakap nga,
Ikaw rin aking iibigin,
maiyak man ako sa pagkukulit mo,
o sa pagmamanhid mo,
malilito man, mahal mo pa ba ako,
at akoy magkakaproblema ng ganito.
Ay, tanggapin at tanggapin na kita,
buong-buo sa puso't diwa,
kahit ika'y may nagkulang,
at papatawarin na kita.
Ikaw rin, buong saya mo at lungkot,
ngiti at simangot, ayayayyyyyyyyy
ay angkinin ko na rin, buong-buo.
Paghandaan ko nga lang ang 'moods' mo,
iyong galit at sorpresa, yong grasya at disgrasya
ang mga darating na milagro at pagtatampo mo.
e, ganyan ka nga, dahil ay Buhay.
Haharapin ko ang bukas, at bawat oras,
at bawat saglit, Ay, Buhay ikay minsa'y nagnanakaw ng sandali.
Ay, Buhay, patawarin na kita...
Ikaw ngay makulit at magulo
nakikipag-away, nagloloko,
Oo, nga naman, ang nakikipaglaban,
ay parang 'daynamo', naghaharapan, at umiinit, umaapoy!
Nakakasunog ng bahay, at naman nakakapagluto ng kanin
ang iyong apoy sa araw-araw.
Talaga nga Buhay, ika'y di mapili kung bahagi lamang...
Ay, tanggapin nga kita ng buong-buo, kahit minsa'y inaapi mo ako,
Matuto rin akong lumaban sa iyo, e,yan naman ang tinuturo mo.
E, ikaw rin ay nagpapansin, naglalambing, ngunit nagkakasakit din,
napapapagod at namamatay...
Ingat na lang, at ika'y gagamutin, pahinga na,
at sikaping intindihin, na ang may simula ay natatapos,
kahit Buhay ay namamatay rin.
Dios nga ang may bigay, Ikaw na Ama ang bahala,
At kong di ko na kayang pasanin ang mundo,
e,sa 'yo naman talaga ang mundo, pasanin mo na,
at sa yong balikat akoy papasanin mo na rin...
O, dito na lang sa iyong dibdib at nang
ako'y makapag-buntonghininga!
Sa piling mo, ako'y di nag-iisa.
Akoy
2005.12.09